Inamin kamakailan ni Megastar Sharon Cuneta na muntik na silang maghiwalay ng asawang si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan.
Mismong si Sharon ang nagpahayag na muntik na silang maghiwalay ng kanyang mister. Ginawa ni Mega ang pag-amin sa sunud-sunod na mga post sa kanyang Instagram at Facebook account noong Sabado ng gabi, Nobyembre 19, 2022.

Ayon sa beteranang aktres at singer, anim na buwan na niyang hindi nakikita o nakakausap ang asawa. Nagkasundo lang sila sa debut celebration ni Yohan Agoncillo, panganay na anak ng kaibigan ni Sharon na si Judy Ann Santos Agoncillo at ng asawa nitong si Ryan Agoncillo.
Ayon kay Sharon, nagsimula ang kanilang awayan noong Hulyo habang nasa Amerika siya, kasama si Regine Velasquez, para sa Iconic concert tour. Inamin pa ni Shawie sa kanyang South Korea vlog na hindi sila magkatabi ni Kiko.
Ayon sa kaniyang unang post: “We are happy today after a long LQ since we were in the U.S. Nana and I @reginevalcasid !!!”
“Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!”

Sa sumunod na post niya ay parang hinahaplos siya ni Kiko. Sa larawan, makikitang hinahalikan ng politiko ang likod ng balikat ni Sharon.
Dagdag ni Mega, “Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months!”
Ayon kay Sharon, naisip niyang magiging single siya sa pagsisimula ng bagong taon.
“Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na. @ryan_agoncillo @officialjuday #yohanation”
Ibinunyag ni Sharon sa kanyang huling post na nagkaroon sila ng anim na buwang hindi pagkakaunawaan at naisip niyang mauuwi ito sa hiwalayan.
Pag-amin pa ni Shawie, “Muling nagkita pagkatapos ng 6 na buwang L.Q. na inakala naming hahantong sa paghihiwalay…@ryan_agoncillo @officialjuday #yohanation”
Hindi naman binanggit ng Megastar kung ano ang ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan ni Kiko.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: