Lyca Gairanod may pa “Jowa Reveal” sa kanyang 18th Birthday

Umani ng reaksyon sa social media ang young singer na si Lyca Gairanod dahil sa kanyang “jowa reveal” noong kanyang 18th birthday.

Kasunod ng kanyang anunsyo sa kanyang debut party ay nagdulot rin ng ingay ang The Voice Kids champion. Isinapubliko kasi ng young singer ang kanyang non-showbiz boyfriend sa vlog ng Cagayan-based video entrepreneur na si David Lañas.

Credit: David Lañas/Youtube

Noong Linggo ay nagtungo si David sa Cavite para paunlakan ang imbitasyon ng pamilya ng young singer. Dito ay nakita kung gaano ka-close si Lyca sa kanyang mga mahal sa buhay.

Credit: Lyca Garainod/Instagram

Sinabi ni David sa YouTube vlog na hindi pa pinapangalanan ni Lyca ang kanyang kasintahan. Miyembro raw ito ng isang grupo ng mga young talents, sa kabila ng katotohanan na ang nabanggit na teenager ay isang non-showbiz personality.

Credit: Lyca Garainod/Instagram

Si Lyca ang grand champion ng The Voice Kids PH. Kasama sa mga finalists sina Darren Espanto, JK Labajo, at Darlene Vibares.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *