Para sa ika-90 kaarawan ng yumaong dating senador na si Ninoy Aquino ay sumulat si Kris Aquino ng isang emosyonal na mensahe para sa ama at ibinahagi ito sa social media.
Noong 2004, nilagdaan bilang batas ang Republic Act No. 2956 na nagdedeklara sa Agosto 21 ng bawat taon bilang “Ninoy Aquino Day.” Isa itong national non-working holiday upang gunitain ang anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr.

Si Ninoy ay isang kilalang mamamahayag at politiko sa Pilipinas. Siya ay naging alkalde ng Concepcion, bise gobernador ng probinsiya, at gobernador ng probinsiya sa lalawigan ng Tarlac.
Siya ang pangunahing karibal sa pulitika ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at kabilang sa mga unang inaresto noong inalis ang Kongreso at idineklara ang batas militar noong 1972.
Siya ang ama ni Kris at ang unang taong naniwala na makakamit niya ang kanyang pangarap na maging isang “artista.”
Sa isang Instagram post, habang nagbibigay-pugay si Kris sa kanyang ama para sa kanyang ika-90 na kaarawan nito ay hindi niya nakalimutan na banggitin kung paano naniwala ang kanyang ama sa kanyang mga pangarap.
Sinimulan ni Kris ang kanyang salaysay sa pagsasabing imposible niya itong makakalimutan dahil babae siya.
Sa parehong post, nagsimula siyang magkwento tungkol sa mga sakit na nakuha niya.

Ayon sa bahagi ng kanyang post, “My genetic testing cleared me for all types of cancer (thank you God) but 2 of my life threatening autoimmune issues have an effect on blood flow, heart, and lung function…bimb at 15, already has high cholesterol issues.”
At kahit na naranasan niyang maging ama sa maikling panahon ay nagawa nilang gumawa ng mga espesyal na sandali na magkasama.

Naniniwala si Kris na ang kanyang ama ay isang mahusay na manunulat at tagapagsalita ngunit mas pinakamahusay daw ito sa pagiging isang ama. Mayroon din daw siyang “unselfish love” para sa mga tao.
“Subukan mang baguhin ang kwento ng kahapon, it’s from you i learned to NEVER show anger, NEVER reveal your weakness. The child of Ninoy & Cory, the last still carrying their last names, learned from both: Faith in God, Patience, protecting your Integrity, standing firm w/ your words, Trustworthiness & caring for all Filipinos regardless of chosen “color”, and sharing w/ those in need- those are values i hold on to & do my best to instill in my sons. God sees all & that’s what matters. #hero,” dagdag pa niya,” pagtatapos pa ng aktres.
Narito ang buong post ni Kris:
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: