Nag-react ang Maid in Malacañang director at writer na si Darryl Yap tungkol sa patutsada mula sa Queen of all Media na si Kris Aquino.
Ang pinakahuling pelikula ni Direk Darryl ay tungkol sa pamilya Marcos. Sa MiM, ang unang yugto sa kanyang trilogy, isang eksena ang itinampok tungkol sa ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino. Binatikos ito ng mga tagasuporta ng pamilya Aquino.
Para sa ikalawang yugto, Martyr or Murderer (MoM), ipinahiwatig ni Direk Darryl ang kuwento tungkol sa ama ni Kris na si dating Senador Ninoy Aquino, na gagampanan ni dating Manila Mayor Isko Moreno. Ang ikatlong yugto, ang Mabuhay Aloha Mabuhay (MaM), ay tututok sa buhay ng mga Marcos sa Hawaii.

Ibinahagi ni Kris ang isang post sa kanyang Instagram page para sa ika-90 kaarawan ng kanyang ama. Sa kanyang mahabang post, ikinuwento ng actress at host ang mga values at lessons na natutunan niya kay Ninoy. Binigyang-diin din niya ang mga kahanga-hangang katangian ng kanyang ama.
Ayon sa bahagi ng post ni Kris, “Subukan mang baguhin ang kwento ng kahapon, it’s from you i learned to NEVER show anger, NEVER reveal your weakness.”

Sa isang artikulo na inilathala sa The Philippine Star, ito ay iniugnay sa timing ng paggawa ni Direk Darryl ng MoM movie. Ayon pa sa pamagat ng artikulo: “Kris Aquino throws shade at new Darryl Yap movie in birthday tribute for Ninoy Aquino.”
Ibinahagi ni Direk Darryl ang nasabing Philstar article at maging ang kanyang reaksyon dito.
“It was Karla Estrada who gave me Shades, not Kris po,” sabi pa ni Direk Darryl.
Umani ng nakakatawang reaksyon mula sa mga netizens ang reaksyong ito ni Darryl sa nasabing artikulo tungkol kay Kris.
Koment ng isang netizen, “Bilis mag isip.. Nice! Looking forward [to] more of your movies.”
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: