Pambansang Kolokoy ipinakita ang kanyang “anak sa pagkakasala”

Naging kontrobersyal muli ang vlogger at influencer na si Pambansang Kolokoy o kilala rin bilang Joel Mondina, matapos niyang mag-post ng larawan ng isang sanggol na anak diumano niya sa ibang babae.

Kamakailan ay naging aktibo ang vlogger sa social media pagkatapos magbahagi ng larawan niya kasama ang kanyang sanggol. Isinulat niya ang isang nakakaantig na tala para sa kanyang mga tagasuporta, bashers, at anak na kasama niya sa larawan.

Ayon kay Pambansang Kolokoy, “Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pag kakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa…”

Credit: Pambansang Kolokoy/Facebook

Ngunit tila binura kaagad ng influencer ang post na ito. Gayunpaman, nakapag-save ang Kami.com.ph ng kopya ng kanyang mensahe bago niya ito inalis sa social media. Gaya ng inaasahan, nakakuha ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

Isa sa mga nag-react ay walang iba kundi ang Sawsawera Queen na si RR Enriquez.

Tugon ni RR, “Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE.”

Naging kontrobersyal kamakailan si Pambansang Kolokoy dahil sa isyu nila ng kanyang asawa. Nauna niyang ibinunyag na pagkatapos ng 20 taong pagsasama, sila ng dating asawang si Marites Mondina ay nagpasya na maghiwalay ng landas.

Credit: Pambansang Kolokoy/Facebook

Sinabi ng vlogger na isa pang babae ang dapat sisihin sa kanilang breakup noong panahong iyon. Matapos maging viral ang mga online videos nila, na-link din siya sa artist na si Mystica. Pero nilinaw nila na wala silang romantikong relasyon.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.