Vice Ganda may rebelasyon tungkol sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa ‘It’s Showtime’

May sagot ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga nagtatanong tungkol sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It’s Showtime.

Hindi inanunsyo ni Vhong ang kanyang pag-alis sa Kapamilya noontime show matapos itong kusang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) kasunod ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya alinsunod sa kasong panggagahasa na inihain ni Deniece Cornejo.

Dahil walang inirekomendang piyansa ang warrant of arrest, siya ay ikinulong, at kalaunan, inilipat siya sa Taguig City Jail hanggang sa mapaboran siyang magkaroon ng kanyang pansamantalang kalayaan matapos siyang payagang makapagpiyansa.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Ngayon, inaabangan na ng fans ng actor-host ang kanyang pagbabalik sa It’s Showtime. Gayunpaman, hanggang ngayon, hindi pa bumabalik si Vhong sa kanyang daily hosting stint. Sa episode ng noontime show noong Sabado, nagsalita si Vice Ganda tungkol sa pag-aabang ng fans sa pagbabalik ni Vhong, base sa artikulo sa Inquirer.

“Gusto niyo bang malaman kung kailan babalik si Vhong? Pwes, gusto rin naming malaman,” Tanong ni Vice sa audience. Iginiit ng Unkabogable Star na makabubuting tanungin ang manager ni Vhong hinggil sa bagay na ito. Gayunpaman, sinabi rin ni Vice na dapat hayaan ng mga tao ang kanilang co-host na magpahinga at magpalipas ng oras kasama ang kanyang pamilya.

“‘Pag may presscon ako, laging ang tanong ay, ‘Kailan ba babalik si Vhong?’ So sa lahat po ng nagtatanong sa akin, isang sagutan na lang po,” dagdag pa ni Vice.

Credit: Vice Ganda/Instagram

“Una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang megde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpahingahin muna natin siya. Kailangan niyang magpahinga,” saad niya.

Nagbigay rin ng kasiguraduhan si Vice sa mga fans ni Vhong: “Babalik siya… He promised to come back.”

Samantala, may pelikulang ‘Partners In Crime’ ngayon si Vice kasama si Ivana Alawi at bahagi ito ng Metro Manila Film Festival 2022.

Ano ang iyong mga saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa scomment section.

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *