Ivana Alawi may ibinulgar tungkol sa paggawa ng pelikula kasama si Vice Ganda

Magtatambal ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at Ivana Alawi sa isang pelikula. Ito ay mula sa direksyon ng award winning director na si Cathy Garcia-Molina para sa MMFF. Ang pelikula ay pinamagatang “Partners In Crime”.

Sa isang nakaraang artikulo, ibinahagi ni Ivana na ang pakikipag-tambalan niya sa komedyante ay nagbigay ng labis na pressure sa kanya. Nangangamba pa nga siya noong una sa pag-aakalang baka hindi siya makakasabay. Pero nagkamali daw siya.

Credit: Vice Ganda/Instagram

Ipinaramdam daw sa kanya ni Vice na welcome siya at inaalagaan daw siya nito.

Sa isang ulat mula sa ABS-CBN, ibinahagi ni Ivana na ang pakikipagtrabaho sa CGM at mismong kay Vice ay isang dream come true para sa kanya. Ito rin ang unang beses niyang makipagtrabaho sa kanila at pakiramdam niya ay pinagpala siya dahil dito.

Ayon kay Ivana, “I feel very humbled and blessed as I always say. Maraming, maraming salamat sa sumusuporta because kung wala kayo, wala rin ako. Thank you for believing in me.”

Credit: Vice Ganda/Instagram

Ang pelikula ay tungkol sa kuwento nina Jack (Ganda) at Barbara (Alawi) na nasangkot sa isang krimen. Isa ito sa dalawang pelikula ng Star Cinema na napasama sa MMFF 2022. Ang isa pa ay ang “Labyu With An Accent” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Magsisimula ang MMFF 2022 ngayong December 25 at magtatapos sa January 7, 2023. Ang Gabi Ng Parangal naman ay gaganapin sa December 27.

Ang walong MMFF films para sa taong ito ay:

“Labyu with an Accent”
“Nanahimik ang Gabi”
“Partners in Crime”
“My Teacher”
“Deleter”
“Family Matters”
“Mamasapano: Now It Can Be Told”
“My Father, Myself”

Ano ang iyong mga saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa scomment section.

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *