Nagpahayag ng pagkadismaya si Ogie Diaz tungkol sa hindi pagpansin sa pelikulang ‘Family Matters,’ ng kapwa Kakampink na si Agot Isidro. Sa pinakahuling episode ng kanyang online showbiz program ay sinabi ni Ogie na ang Family Matters ay isang napakagandang pelikula na karapat-dapat manalo ng Best Picture.
Gayunpaman, ang pelikula ay nanalo lamang ng isang award at hinirang para sa limang iba pa, kabilang ang ‘Best Original Theme Song, Best Musical Score, Gender Sensitivity Award, Best Supporting Actor, at Best Actor. Ang ‘Deleter,’ na mula sa direksyon ni Nadine Lustre, ay tinanghal na Best Picture.

Nanalo ng pangalawang Best Picture award ang ‘Mamasapano: Now It Can Be Told.’ Maging si Agot ay hindi naitago ang kanyang pagkadismaya sa desisyon ng MMFF para sa kanilang pelikula.
Ayon sa kanya, “Nagsama sama ang pamilya Florencio kagabi except kay Mommy & Daddy. Umuwi na medyo disappointed na hindi napansin man lang ang ibat ibang aspeto ng aming pelikula.”
Hinala naman ni Ogie, biktima ng pamumulitika ang Family Matters noong awards ceremony dahil sa nangyari. Ayon sa kanya, ilang pulitiko ang nasangkot sa proseso ng pagdedesisyon para sa MMFF awards.
“Nagtataka ako bakit hindi humakot ng awards ang ‘Family Matters’ e ang ganda, pagkaganda-gandang pelikula. Dyusko, dapat ‘yan nag-Best Picture,” saad pa ni Ogie.

“Hindi man lang humakot ng mga nominasyon kaya nagkakapaduda talaga e. Napulitika ba ito sa loob? Hindi maalis ‘yan lalo na at may ilang mga politiko na naroroon at involved sa komite.. Kasi ang huhusay nilang lahat na artista na naririyan,” dagdag pa niya.
Ayon sa ilang ulat, naka-generate na ang ‘Family Matters’ ng P32 milyon. Ito rin ay nakakuha ng magagandang review mula sa mga moviegoers, na nagsabing ang pelikula ay relatable at ang cast ay mahusay ang pagganap.
Ano ang iyong saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa comment section.
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: