Elisse Joson may makabuluhang komento sa post ng umano’y third party nila ni McCoy De Leon

Sa gitna ng kontrobersyal na split, napansin ng netizens ang komentong ito ni Elisse Joson sa post ng umano’y third party sa pagitan nila ni McCoy De Leon.

Sa isang emosyonal na post para sa kanyang anak, ipinakita ni McCoy ang tila kanyang panghihinayang sa mga nagyayari sa kanyang buhay. Wala na sila ni Elisse at ito ay kinumpirma niya sa isang bagong post.

Credit: Elisse Joson/Instagram

Ayon sa kanya, walang third party sa kanilang paghihiwalay. Saka niya sinabi na hindi niya intensyon na manakit o manloko ng isang tao, umabot lang siya sa puntong hindi na niya kayang dalhin ang problemang napakabigat kung kaya bumitaw na lamang siya.

At sa gitna ng mga kontrobersiya, lumabas online ang isang screenshot ng komento ni Elisse sa isang post ng rumored new girlfriend ni McCoy.

Sa kasalukuyan, naka-off ang comment sections ng mga post ni Mary Joy ngunit isang screenshot ang ibinihagi ng Kapamilya Online World sa Facebook.

Sabi ni Mary Joy sa caption: “I don’t wanna wait, not anymore.”

May makabuluhang komento naman si Elisse sa post: “Self-respect is power.”

Credit: Kapamilya Online World/Facebook

Nabigla ang maraming netizens sa balita ng paghihiwalay nina McCoy at Elisse. Matatandaang minsan na silang naghiwalay ngunit muli pa rin nilang nagawan ito ng paraan at muling nagkabalikan. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang Felizia at kung kelan iniisip ng lahat na malapit na silang ikasal ay saka naman lumabas ang ulat na ito.

At kamakailan lang, kinumpirma ni McCoy na hindi na talaga sila magkasama ni Elisse.

Credit: McCoy De Leon/Instagram

Ano ang iyong saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa comment section.

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.