Pinabulaanan ng negosyanteng si Christian Albert “Xian” Gaza ang mga pahayag na siya ay “klepto” bukod sa pagiging scammer.
Sa panayam kay Chino Liu, kilala rin bilang Tita Krissy Achino, tahasang itinanggi ng nagpakilalang “Pambansang Marites” na klepto o magnanakaw siya, bukod pa sa pagiging scammer. Sa pag-uusap, ibinunyag ni Xian ang kanyang damdamin sa sinasabing bagong paratang na ibinabato laban sa kanya.
Pag-amin ni Xian, “Stealing and pagiging klepto, that’s 100% fake news. Pwede akong mang-scam sige. Sabihin nating nakapanloko ako. Nakapag-execute ako ng fraudulent transactions. Meron akong diniceive na tao. Aminado na ako doon.”

“Para makadiskarte ako ng pera para maitapal-tapal ko yun mga utang ko na manghihiram ako dito, alright sabihin ko may negosyo, tinapal-tapal ko ‘yung utang… Doon ako kauna-unahang natawag na scammer sa panahon na ‘yon. Doon sa bagay na ‘yun, aminado ako. 27 people in total. Going back sa pagiging klepto, that’s not me. Hundred percent fake news,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Xian sa panayam na ito ay isang pakana lamang ng kanyang dating ex, na humihingi din ng simpatiya mula sa publiko upang mapaniwala ang mga tao na siya ay biktima. Tinaguriang “pambansang scammer” si Xian matapos akusahan ng scamming.
Si Xian naman ay himalang nakabangon mula sa kahindik-hindik na pangyayari sa kanyang buhay. Tunay nga na siya ang inspirasyon sa likod ng tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.
Ano ang iyong saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa comment section.
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: