Vilma Santos Labis ang Kaligayahan Matapos Makita ang Unang Apo

Ipinanganak ni Jessy Mendiola ang kanyang panganay na si Isabella Rosi, at nasa “heaven” ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa sobrang kaligayahan.

Isabella Rosie ang pangalan ni baby Peanut, ang unang anak ng first-time mom na si Jessy sa host at asawa na si Luis Manzano. Noong Sabado, January 7, ibinahagi ng aktres sa Instagram ang magandang balita tungkol sa kanyang panganganak. Nanganak siya dalawang linggo bago ang post.

Ipinasilip ni Jessie ang kanyang anak sa pamamagitan ng pag-post ng close-up na larawan ng kanyang paghawak sa maliliit na kamay ng nito.

Ayon kay Jessie, “I never knew I could love like this… My little Rosie.”

Ang pangalan ng sanggol ay Isabella Rose Tawile Manzano. Nanganak siya noong Disyembre matapos ianunsyo na inaasahan na nila ang kanilang unang anak noong Agosto noong nakaraang taon.

At isa sa hindi maitago ang sobrang kasihayan sa pagsilang ni baby Rosie ay ang first time lola na Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“It’s heaven,” kung ilarawan ni Vilma ang kanyang kaligayahan at idinagdag na ito ay ibang uri ng pakiramdam.

Ibinahagi ni Vilma na noong December 28 isinilang ang sanggol at masaya siya na si Jessy ang nagpapasuso sa sanggol. Natutuwa rin siya na ang pangalan ng sanggol na kamukha niya ay kinuha sa pangalan niyang “Rosavilma”.

Credit: Vilma Santos/Instagram

May isang hiling din si Vilma sa mga magulang ni Baby Rosie at iyon ay ang payagan siyang maging unang makapagbigay ng isang pares ng hikaw sa apo.

Ayon sa kanya, kamukha ni Luis ang baby pero nakuha ang labi ni Jessy ayon pa sa ulat ng ABS-CBN.

Ano ang iyong saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa comment section.

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan