Coco Martin Dumalo sa ‘Translacion 2023’ Kasama ang Libo-libong Kapwa Deboto

Naispatan ang Kapamilya actor at direktor na si Coco Martin sa Translacion 2023 kasama ang libu-libong kapwa deboto.

Kabilang ang Pinoy celebrities sa apat na milyong local at international devotees na dumalo sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila, noong Enero 9. Isa na nga rito ang Kapamilya star.

Unang naging mananampalataya si Coco sa Itim na Nazareno habang sinasamahan niya ang kanyang lola sa simbahan noong bata pa siya.

Naniniwala si Coco na 10 sa kanyang 15 na petisyon ang napagbigyan dahil sa kabutihan ng Black Nazarene. Kaya naman, sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, pinupunto niyang bisitahin ang Quiapo Church. Sinisikap niyang dumalo ng low-key hangga’t maaari upang maiwasang makagambala sa ibang mga deboto.

Maagang pumunta ang 41-year-old A-list celebrity kasama ang ‘FPJ’s Batang Quiapo’ team para sa kanilang unang shooting day. Ngayong taon, magiging bahagi rin ito ng kanyang bagong teleserye na ‘FPJ’s Batang Quiapo’

Nagpasalamat din si Coco sa kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.

Ayon sa caption ng post ni Coco: “Saludo at nagpapasalamat ako sa sipag at galing ng mga kapamilya ko sa Batang Quiapo. Ito po ang aming unang taping sa Traslacion 2023.”

“Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya, pagmamahal at pag gabay sa akin at sa aking buong pamilya. Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay niyo sa akin ngayon,” dagdag pa niya.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang video ni Coco kasama ang kanyang ‘FPJ’s Batang Quiapo’ team sa Translacion. Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa video:

@trustfrated: “The amount of dedication para gawin nila to salute and excited na kami!”

@bekyavlogs: “Grabe si coco martin,nakakatuwa!!iba kapag dedicated sa trabaho!!Nakaka excite na!”

@darwin: “Coco is always my favorite actor. Keep it up, can’t wait to watch the first episode of Batang Quiapo.”

@lycelvilar: “Galing nung timeline for the taping. Perfect timing.”

@leonilacambunga: “Wow.excited na ako sa teleserye mo idol coco.ingat kayo lagi n juls.”

Ano ang iyong saloobin tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng inyong mga reaksyon sa comment section.

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan