Ang closeness nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga bilang magkapatid ay bagay na hinahangaan ng marami. At kahit may kanya-kanya na silang buhay ngayon kasama ang kani-kanilang asawa, nanatili ang closeness na ito at mas naging close pa sila.
Mayroon silang kakaibang relasyon sa loob at labas ng camera. Dati si Alex ang nang-aasar sa nakakatandang kapatid dahil sa pagiging overprotective nito. Ngunit sa paglipas ng panahon, dahil sa narinig niyang paliwanag mula sa asawang si Mikee Morada ay natuto na siyang maging mahinahon sa kapatid.

Napagtanto ni Alex na ang pagiging overprotective ni Toni sa kanya noon ay para lang din sa kanyang kapakanan. Sa kanyang paglaki, siya ay nagpapasalamat sa mga bagay na ginawa ni Toni para sa kanya bilang nakatatandang kapatid na babae.
Pero kamakailan lang, may ipinagtapat si Alex.
Sinabi ni Alex na naging inferior ang tingin niya sa kanyang sarili dahil sa madalas na pagkukumpara ng mga tao sa kanya kay Toni.
Paliwanag ni Alex, “All my life, I’ve been compared to my sister. Biro mo, four years old pa lang, kumakanta na siya, lagi na siyang panalo. So, kahit sabihin ko na ‘di ko siya dinidibdib, na-realize ko na meron pala siyang impact sa’kin. At the back of my head, it’s a thing pala na nako-kompara ako sa kapatid ko. May effect pala siya sa’kin.”

Ipinahayag ni Alex na kahit anong pilit niyang huwag magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao ay hindi niya maiwasan na mapaektuhan pa rin nito.
Tinatakpan din niya noon ang katotohanang ito kapag ikinukumpara siya kay Toni. At dahil sa pagtatanggol niyang ito sa sarili ay nagkaroon ng impresyon ang mga tao sa paligid niya na siya ay mayabang.
Medyo matagal bago niya naproseso ang kanyang emosyon. Merong mga pagkakataon na walang-wala siya – walang love life at walang career. Ang yugtong ito ay nagparamdam sa kanya na hindi siya espesyal kung kaya’t sinimulan niyang ikumpara ang sarili sa kanyang kapatid.

Ngunit nagpapasalamat siya sa kanyang ina at mga kaibigan. Ang mga ito ay naroroon para sa kanya at hindi nila pinahintulutan ang mga pagdududa sa sarili na kanyang nararamdaman noon.
Nag-open up si Alex tungkol dito sa January 4 episode ng kanyang “Ano na Catherine? by Alex Gonzaga” podcast.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: