Anne Jakrajutatip ipinagmalaki na ang Miss Universe 2023 ay isa sa “best at most-watched’’ na edisyon

Isang linggo lamang matapos koronahan si Sheynnis Palacios ng Nicaragua, idineklara ng Thai business mogul at may-ari ng Miss Universe Organization (MUO) na si Anne Jakrajutatip na ang 2023 pageant ay isa sa mga “pinakapinanood” na edisyon nito sa mahabang panahon.

Nagpahayag si Jakrajutatip sa kanyang Instagram account noong Sabado, Nobyembre 25 upang pasalamatan ang mga tagasuporta ng pageant sa ginawa nitong isa sa “pinakamahusay at pinakapinanood na edisyon ng Miss Universe sa maraming taon.”

Ayon kay JKN, “One of the best and most-watched Miss Universe shows in many years .. I could not be more proud. Sinabi niya habang nagbabahagi ng recap ng pageant na ginanap sa El Salvador noong Nobyember 18 (Nobyembre 19 sa Maynila).

Nagpasalamat din ang entrepreneur sa kanyang mga followers sa pagtupad ng kanyang matagal nang pinapangarap.

Image: Anne Jakrajutatip Instagram

Sa magkahiwalay na mga post, ipinahayag ni Jakrajutatip ang kanyang pasasalamat sa mga beauty queen, host, at production staff para sa kanilang dedikasyon.

Sa kabila nito, naka-sarado naman ang comment section ng mga post ng billionaire business mogul.

Bago ang koronasyon, ang JKN Global Group ni Jakrajutati ay iniulat na nagsampa ng “bankruptcy” kasunod ng umano’y kabiguan nitong ibalik ang puhunan ng ibang investors na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $12 milyon (P670 milyon) sa ‘deadline’ na ipinataw mismo ng kumpanya.

Image: Anne Jakrajutatip Instagram

Gayunpaman, itinanggi ni Jakrajutatip ang mga paratang, na sinasabi na ang kumpanya ay “financially healthy” at pinaplano lamang na “muling i-refinance ang utang at i-rehabilitate” ang mga operasyon nito.

Ang nalalapit na Miss Universe pageant ay gaganapin sa Mexico, bagama’t ang mga detalye tungkol sa petsa at mga delegado nito ay hindi pa matukoy, habang sinusulat ito.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.