‘Feels like a winner’ si Michelle Dee matapos ang mainit na pagtanggap sa Pilipinas

Labis ang saya at pasasalamat ni Michelle Dee matapos makauwi sa isang hero’s welcome sa Pilipinas noong Sabado, Nobyembre 25, isang linggo matapos kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2023.

Pinasalamatan ni Dee ang kanyang mga tagasuporta sa pagpaparamdam sa kanya na para na ring nanalo sa kanyang Instagram page noong Linggo, Nobyembre 26, habang nagbahagi ng mga sulyap sa kanyang pag-uwi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon kay Michelle, “Feels good to be back home. With or without the crown, all of you made me feel like I was a winner. Last night was so overwhelming! All I could feel was so much love and support from all of you.”

Nagpahiwatig din ang actress turned beauty queen na malapit na ang homecoming parade, bagama’t hindi pa niya inilalahad ang mga detalye.

“It was definitely not an easy road to get to this point but everything was well worth it! Madami pa tayo pagdadaanan and I can’t wait to bring you along the ride with me. Mahal na mahal ko kayo. I can’t wait to see you all soon at the parade!” dagdag pa niya.

Image: Screenshot from Michelle Dee/Instagram

Dinumog si Dee ng mga tagahanga na nagwawagayway ng mga watawat ng Pilipinas sa paliparan habang hinihintay ang kanyang pagbabalik sa bansa, na makikita sa mga Instagram post ng ng Miss Universe Philippines (MUPH) at ng talent agency ni Dee na Sparkle GMA.

“Michelle Marquez Dee is finally home after representing our country in the 72nd edition of Miss Universe. The crowd cheered as soon as Michelle entered the stage and greeted everyone who came to see her. Welcome home, Michelle,” ayon pa sa caption ng Sparkle GMA.

Nakita rin ang mga tagasuporta ni Dee na hinahabol ang aktres-beauty queen sa airport, na makikita sa hiwalay na video ng Sparkle GMA. Malugod din siyang tinanggap ng kanyang ina na si Melanie Marquez at MUPH national director Shamcey Supsup-Lee.

Image: Screenshot from Michelle Dee/Instagram

“Although she did not win the crown, her homecoming was nothing short of regal. As soon as Michelle took the stage, the crowd erupted into cheers, welcoming her warmly and showering her with admiration. Michelle graciously greeted everyone who had come to see her, making it a homecoming fit for a queen.” ayon pa sa post.

Pagkauwi ay nag-enjoy kaagad si Dee ng “adobo, sinigang, crispy pata, sisig, at munggo” kasama si Miss Universe Philippines 2022 alum Samantha Panlilio, Rhian Ramos, at “Dear SV” host na si Sam Verzosa, na makikita sa Instagram Story ng huli.

Image: Screenshot from Sam Verzosa/Instagram

Habang hindi pa ibinunyag ni Dee ang kanyang mga plano sa pagkatapos Miss Universe 2023, ay nag-tweet naman si Dee na magkakaroon siya ng isang “espesyal na papel” tulad ng kanyang “Ang Lihim ni Urduja” na role na Freya.

“Joining a show soon with a very ‘special role.’ Any guesses? Clue: ala-Freya,” ayon pa sa kanya.

Ibinalik ni Dee ang Pilipinas sa international pageant map matapos ang kanyang Miss Universe 2023 stint sa Top 10.

Nagkamit din siya ng ilang mga parangal kabilang ang Fan Vote winner, Spirit of Carnival, Best in National Costume, at pinangalanan din siya bilang isa sa Voice for Change gold honorees.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.