Lolit Solis nalulungkot sa mga Kontrobersyang Kinasasangkutan ni Andrea Brillantes

Nagpahayag ng pagkalungkot ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa aktres na si Andrea Brillantes dahil sa mga panghuhusga na natatanggap niya hinggil sa kanyang mga kinasasangkutan na kontrobersiya. Si Andrea Brillantes, na ang tunay na pangalan ay Andrew Blythe Daguio Gorostiza, ay isang aktres na nakakuha ng pagkilala sa kanyang mga roles sa iba’t ibang serye sa telebisyon at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga naging proyekto ay “Annaliza,” “Hawak-Kamay,” at “Kadenang Ginto.” Kasalukuyang umiingay ang kanyang pangalan online dahil sa diumano’y pagkasangkot niya sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kilala bilang KathNiel.

Image: Screengrab from Andrea Brillantes/Instagram

Nagsimula ang kontrobersiya matapos i-share ng kolumnista at Youtuber na si Ogie Diaz sa kanyang online show na sinabi sa kanya ng isang source na lihim na nagkikita sina Daniel at Andrea, na nag-udyok sa napapabalitang breakup ng KathNiel.

Ayon kay Lolit, “Salve alam mo bang naawa ako kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay.”

“Pero siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay’ hotness’ sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teeners na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka yummy youngstar sa ngayon. Lahat ng mga controversy tungkol kay Andrea Brillantes parang naging way pa para isipin ng mga teeners na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars,” dagdag pa niya.

“Iba din dating niya niya, parang young boldstar na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan. Sana nga hindi sa tutoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan.” pagtatapos pa ni Lolit.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.