Cristy Fermin Ikinumpara ang Kagandahan ni Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes

Hindi napigilan ng beteranang kolumnista na si Cristy Fermin ang paghahambing kina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes dahil sa napapabalitang love triangle na kinasasangkutan ng dalawang aktres at ni Daniel Padilla.

Sa kanyang programang ‘Showbiz Now Na,’ sinaliksik ni Cristy, kasama ang mga co-host na sina Wendell Alvarez at Rommel Chika, ang isyu, na humantong sa paghahambing ng kagandahan nina Kathryn at Andrea. Napag-usapan nila kung paano itinuring na mas naaayon sa kontemporaryong pamantayan ang pangangatawan ni Andrea kumpara kay Kathryn.

Image: Screengrab from Showbiz Now Na/Youtube

“Hindi ba si Andrea naka-ganoon… siyempre mayroon siyang ano… may dibdib siya tapos si Kathryn naman flat, nakalagay doon flat. Siyempre maraming ano doon, bumoto kay Andrea,” wika ni Wendell. “Tapos ‘yung lips niya [Andrea] na naka-pout pa ng ganoon ‘di ba ‘yung makapal, si Kathryn naman daw flat ‘yung lips niyang ganoon. Lalo na ‘yung sa skin, pinag-anuhan nila sa skin, na dry daw si Kathryn,” dagdag pa niya.

Sa bandang ito ay hindi na napigilan ni Cristy ang mag-komento at sinabing hindi kakayanin ni Kathryn na makipag-kumpitensya sa beauty ni Andrea. Ayon sa kanya, ““Kung postura at postura, talagang may ilalaban ‘yung Andrea. Wala talagang binatbat si Kathryn. Tanggapin natin ang katotohanan. Paglakad, pagrampa lalong wala ‘di ba. Model-model talaga si Andrea. Hindi siya pupuwedeng mapintasan sa ganoon.”

Image: Screengrab from Andrea Brillantes/Instagram

“So tayo’y nagkakaisa sa pagsasabing malakas ang appeal ni Andrea,” dadag pa ni Cristy.

Samantala, si Kathryn ay isang kinikilalang aktres na kilala sa kanyang matagumpay na mga teleserye sa telebisyon tulad ng “Mara Clara” at “Princess and I.” Sumikat siya sa mga kapansin-pansing papel sa mga blockbuster na pelikula tulad ng “The Hows of Us,” “Hello, Love, Goodbye” at “She’s Dating the Gangster.”

Image: Screengrab from Kathryn Bernardo/Instagram

Sa kabilang banda, si Andrea, na ang tunay na pangalan ay Ramona Anndrew Blythe Daguio Gorostiza ay isang aktres, commercial model, endorser, at entrepreneur. Sinimulan ni Andrea ang kanyang karera bilang isang child actress sa edad na 7. Kapansin-pansing din ang kanyang naging role sa mga palabas tulad ng “Goin’ Bulilit” (2010) at “E-Boy” (2012). Kinikilala rin siya bilang “Gen Z Queen.”

Nakakuha si Andrea ng katanyagan para sa kanyang pagganap bilang lead star sa “Annaliza” (2013) at bilang Marga Mondragon-Bartolome sa “Kadenang Ginto”(2018).

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.