Karla Estrada pinabulaanan ang tsismis na hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Pinabulaanan ng TV host na si Karla Estrada ang ulat ni Cristy Fermin na kinumpirma niya ang breakup ng anak na si Daniel Padilla sa long-time girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang opisyal na Facebook page, nag-post si Karla ng isang ulat, na pinabubulaanan ang sinabi ni Cristy.

Ayon kay Karla, “Ito po ay walang katotohanan.” 

“Kailan man ay hindi ko pang hihimasukan o pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” dagdag pa niya. 

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na,” sinabi ni Cristy na hiwalay na talaga sina Daniel at Kathryn.

“Kami po, maninindigan po kaming tatlo na hiwalay na si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na,” diin ni ng kolumnista. 

“Ngayon, ang desisyon kung ipagpapatuloy pa nila ang relasyon na ito, magiging masaya po kami. Sana nga mauwi sa pagbabalikan ito,” pagtatapos na niya. 

Image: Screengrab from Instagram/Karla Estrada/Kathryn Bernardo

Nagsimula ang tsismis ng breakup nina Daniel at Kathryn o Kathniel sa kanilang fans nang uminit ang bulung-bulungan sa loob ng showbiz na lihim na nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes.

Mabilis naman na napansin naman ng mga netizens na nag-unfollow na sina Kathryn at Andrea sa isa’t isa sa Instagram.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.