Michelle Dee, Nagpasalamat sa mga Pinoy na Nakita ang kanyang Pagsusumikap sa Miss Universe 2023

Ipinagmamalaki ni Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee nang makita niya ang napakalaking suporta mula sa mga Pilipino matapos niyang tapusin ang kanyang laban sa katatapos lang na Miss Universe 2023 sa El Salvador.

Pumasok si Michelle sa Top 10 ng nasabing pageant. Kabilang din siya sa mga nanalo sa “Voice for Change” at nakakuha pa ng Best National Costume Award. Si Sheynnis Palacios ng Nicaragua ang kinoronahang panalo.

Image: Screengrab from Instagram/Michelle Dee

Sa kanyang interview sa CNN Philippines, sinabi ni Michelle na siya ay natutuwa na mula sa pagiging pinaka-“bashed” na nanalo sa Miss Universe Philippines ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin at bigla siyang napamahal sa maraming Pilipino dahil sa kanyang dedikasyon.

Ayon kay Michelle, “Of course, I was one of the most bashed Miss Universe Philippines after winning. To be able to convert everyone through hard work, blood, sweat, and tears, that’s an amazing victory for me.”

“To be able to win all of your hearts through representing all of you with the best of my abilities, I really can’t say thank you enough,” dagdag pa ng beauty queen.

Image: Screengrab from Instagram/Michelle Dee

Sinabi ni Michelle na ang layunin niya sa international pageant na ginanap sa El Salvador noong Nobyembre 19 (Manila time) ay tiyaking maibigay niya ang kanyang best at maisama ang Pilipinas sa biyahe. Napakalaking bagay raw para sa kanya na nakita ng mga Pilipino ang pagsusumikap at dedikasyon na kanyang ibinuhos.

“Just the way they received me in the airport, I didn’t expect it. Nakakaiyak talaga.pagtatapos pa niya.

Image: Screengrab from Instagram/Michelle Dee

Maraming Pinoy pageant fans ang tuwang-tuwa nang makitang inirampa ni Michelle ang isang tattoo-inspired evening gown sa semi-finals, na isang pagpupugay sa pinakamatandang nabubuhay na mambabatok na si Apo Whang-Od.

Ngayong nakabalik na sa Pilipinas, nagpahiwatig ang beauty queen na sasali siya sa isang palabas na may napakaespesyal na papel pati na rin ang posibleng proyekto kasama si Miss Thailand 2023 Antonia Porsild.

Read next:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.