Daniel Padilla, tinuldukan na ang relasyon kay Kathryn Bernardo

Ilang minuto lang matapos kumpirmahin ni Kathryn Bernardo, ang kanyang girlfriend ng halos 11 taon, ang kanilang breakup, ay nagpost rin si Daniel Padilla sa kanyang Instagram account, na nagsabing hindi magwawakas ang kanyang pagmamahal para sa dating nobya.

“Bal, ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan,” aniya sa kanyang Instagram, habang pinapatungkulan si Kathryn gamit ang kanilang term of endearment.

Sinabi ni Daniel na ang pagmamahal niya kay Kathryn sa nakalipas na 11 taon ay isang biyaya para sa kanya.

“Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahal ka. At mahal mo. Ang mga alaala natin ay laging baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows,” dagdag pa ng aktor.

Binanggit din ni Daniel na habang ang buhay nila ni Kathryn ay maaaring maanod, ang kanilang pag-iibigan ay magpapatuloy pa rin.

Nagpasalamat din si Daniel sa kanilang libu-libong fans sa pagsuporta sa kanila sa mga nakaraang taon, t humihingi sila ng paumanhin sa nangyari sa kanilang relasyon.

Mensahe ni Daniel sa kanilang fans, “Kathniels, Maraming salamat sa pag mamahal ninyo. Maraming salamat sa napaka gandang pinag samahan natin. Hinding hindi namin ipag papalit at hindi makukumpara kahit anong pang gawin nila. Hinding hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business.”

Ilang araw bago inanunsyo ng Kathniel ang kanilang hiwalayan ay ini-link si Daniel kay Andrea Brillantes, na hindi pa nagsasalita tungkol sa mga ulat habang sinusulat ito.

Dati nang inunfollow ni Kathryn si Andrea sa Instagram, at makalipas ang ilang araw ay ganoon din ang ginawa ng huli sa “A Very Good Girl” star.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.