Taylor Swift, naungusan si Bad Bunny bilang nangungunang artist ng Spotify para sa 2023

Natuldukan ang tatlong taong paghahari ng Puerto Rican rapper na si Bad Bunny sa Spotify matapos maungusan ng runner-up na si Taylor Swift. Si Taylor ngayon ang “most stream artist” ng music platform ngayong taon.

Sa nakaraang dalawang taon ay palaging pumapangalawa si Taylor kay Bad Bunny sa data ng music platform, ngunit sa 26.1 bilyong stream sa taong ito, ang award-winning artist ang nangunguna.

Ngunit parin naman nagpapigil siBad Bunny dahil sa paglabas ng kanyang pinakabagong album na “Nadie Sabe Lo Que Va a Pasar Mañana” ay mas lalo pang napanatili ng rapper ang kanyang global dominance kahit pumangalawa lang siya kay Taylor ngayong taon.

Image: Screengrab from Instagram/Taylor Swift

Sumunod naman sa listahan ang Rappers The Weeknd at Drake sa No. 3 at No. 4, ayon sa pagkakasunod-sunod. Kasama rin ang Mexican singer na si Peso Pluma sa Top 5.

Gayunpaman, ang nangungunang kanta ng taon ay ang “Flowers” ni Miley Cyrus, na nakaipon ng mahigit 1.6 bilyong stream mula noong inilabas ito noong Enero 12.

Pasok din ang “Kill Bill” ng R&B singer na si SZA, “As It Was” ni Harry Styles, ang summer hit ni Jungkook at Latto na “Seven,” at muli ang Peso Pluma at No. 5 sa kanyang collaboration song na “Ella Baila Sola” kasama si Eslabon Armado.

Image: Screengrab from Instagram/Taylor Swift

Samantala para sa mga podcast, ang “The Joe Rogan Experience” ang nangunguna sa ikaapat na magkakasunod na taon, sumunod naman ang “Call Her Daddy,” “Huberman Lab,” “Anything Goes with Emma Chamberlain,” at “On Purpose with Jay Shetty.”

Bukod pa rito, ang “New Heights with Jason and Travis Kelce,” na co-host ang boyfriend ni Taylor, ay ang top-streamed na global sports podcast ng 2023.

READ NEXT:

Share this article
Erie Swan