Vice Ganda, Muling Inupakan si Cristy Fermin; Cristy Gumanti

Sa gitna ng word war ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin, ay nagparinig ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa lahat ng “chismosa.”

Sa isang kamakailang episode ng “It’s Showtime,” ay tinukso ni Vice ang mga “chismosa” sa segment na “Me Choose Me Choose.”

“Binabati mo mga chismosa? Anong pangalan ‘yang chismosang ‘yan? Batiin natin ‘yang mga chismosang ‘yan,” banat ni Vice habang ini-interview ang isang contestant.

“Hindi ba nanggagalaiti mga tsismosa sa inyo?” dagdag pa niya. 

Image: Screengrab from Instagram/Vice Ganda

Nitong nakaraang linggo ay nakapanayam ni Vice ang isang contestant na nagngangalang Cristy sa parehong segment. “Kamusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?” sabi ni Vice.

Nag-react tuloy si Cristy sa biro ni Vice sa “It’s Showtime.” Banat ni Cristy, “Sa maraming pagkakataon, mga kapatid, pinalalagpas lang po namin ang mga bira sa amin nitong si Vice Ganda. Nung tinawag niya po kaming tatlo nina Wendell na mga chaka, gusto naming sabihin na, ‘Hiyang-hiya naman po kami sa kanya. Pagkaganda-ganda niya.”

Hindi pa natapos doon ang litanya ng kolumnista. Sabi pa niya, “At gusto na rin po sana naming sabihin na kung hindi naman sa kanyang pera ay hindi siya magkakaroon ng ganyang hitsura. At lalong gusto naming sabihin, lalo na ako, na ang kagandahan po ng tao ay wala naman sa panlabas kundi nasa kalooban, at pwede naming sabihin na siya sa panlabas at panloob, wala namang itinatagong ganda.”

Image: Screengrab from Instagram/Vice Ganda

Alam naman daw ni Cristy na siya ang tinutukoy ni Vice. “Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin matandaan na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda, puro patagilid ang kanyang bira.“

Hinamon din ni Cristy si Vice, aniya, “E, bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling, ano pa pinagkakaabalahan mo? I-diretso ako nagsasabi sa kanya na mayabang siya, ‘di ba? Wala ka man lang makitang nagpapakumbaba sa kanya. Diretso kong nasasabi ‘yun! Bakit hindi rin niya ako diretsuhin? E, pupuwede naman?”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot tungkol sa mga binitawang salita ni Cristy. Dahil pag nagkataon ay mainit-init na naman itong pag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.