Kathryn at Daniel, hindi magkasama sa ABS-CBN Christmas Station ID

Magkahiwalay na lumabas ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa inaabangang Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Ni-release ng network ang taunang Christmas campaign video nito noong Biyernes, Disyembre 1 na may temang “Pasko ang Pinakamagandang Kwento.”

Ayon pa sa caption nito, “Saan mang sulok ng daigdig, ang mga kwento ng ating pag-ibig at pagsasama ang mananaig.”

Ang video ay umani na ng 1.1 million at 299,600 na view sa Facebook at YouTube, ayon sa pagkakabanggit.

Image: Screengrab from Facebook/ABS-CBN

Mabilis na napansin ng ilang Pinoy na hindi na lumabas sina Kathryn at Daniel sa parehong frame ng video. Makikita sila noong magkasama sa mga nakaraang Christmas Station ID.

Samantala, mabilis namang ipinahayag ng mga netizens kung gaano sila kalungkot sa pagbabagong ito kasunod ng kumpirmadong hiwalayan sa pagitan ng dalawang bituin.

“Hindi ako sanay na walang Kathniel na magkasama mismo sa screen ng ABS-CBN Station ID,” sabi ng isang X user.

“From KathNiel to Kath and DJ for ABS-CBN Christmas Station ID,” isa pang X user ang nag-react na may kasamang broken heart emoji.

Image: Screengrab from Facebook/ABS-CBN

“Itigil nio na ang pagsuporta jan sa Manyakis na yan If Kathryn still has love for him. Ako wala na akong Amor. Ni katiting sa jutay na manyakiz na yan.” ayon pa sa isang galit X user.

Nagkaroon naman ng teorya ang ibang online users na napilitan lamang si Kathryn na magsalita tungkol sa kanilang breakup dahil naka-schedule ng ang paglabas ng Station ID ngayong taon.

“Kaya siguro umamin na din ang KathNiel. Kasi magtataka mga fans lalo na bakit hindi sila magkasama sa video…Eh typically ang loveteam laging magkasama,” sabi ng X user.

Si Kathryn ang unang nagkumpirma na natapos na ang romantikong relasyon nila ni Daniel pagkatapos ng 11 taon. Nagsimula silang mag-date noong 2012.

Kalaunan ay nagsulat din si Daniel ng mensahe ng pasasalamat at pagmamahal sa aktres at sa kanilang mga tagahanga, na tinatawag na Kathniels.

Image: Screengrab from Facebook/ABS-CBN

Ang naturang balita ay nagresulta ng sama-samang kalungkutan ng mga tagahanga, ng ibang mga celebrities at iba pang mga Pilipino na nakasaksi sa kanilang kuwento ng pag-ibig sa mga nakaraang taon.

Mahigit 50 taon nang naglalabas ang ABS-CBN ng mga Station ID. Ang mga video na ito, na nagsimula bilang mga maikling clip, ay ginawa upang ipagdiwang ang mga milestone ng network noon.

Noong 2002 ay sinimulan ng kumpanya ang tradisyon nito sa paggawa ng mga Station ID para sa kapaskuhan.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Erie Swan