Ricci Rivero, Sinisisi ng mga Netizens sa Hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Pabirong sinisi ng isang netizen ang basketball star sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kilala bilang KathNiel.

Ibinahagi nina Kathryn at Daniel sa Instagram na hiwalay na sila pagkatapos ng 11 taon na relasyon. Ikinuwento ni Kathryn ang kanyang mahabang career sa showbiz, sinabi niyang siya ang gumawa ng sarili niyang mga desisyon at ang kanilang pagmamahalan ni Daniel ay tunay.

Pinasalamatan din niya si Daniel at sinabing naging masaya at adventurous ang kanilang oras na magkasama. Nagpasalamat din si Daniel kay Kathryn at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagmamahalan na pinagsaluhan nila. Parehong ipinakita ng mga mensahe na naiintindihan nila at tinatanggap nila ang desisyon na maghiwalay.

Tinapos ni Kathryn ang kanyang post sa pamamagitan ng pasasalamat kay Daniel sa 11 magagandang taon ng pagsasamahan. Nagpahayag din siya ng walang hanggang pagmamahal sa aktor

Gayunpaman, biglang nadawit sa isyu si Ricci Rivero matapos siyang β€œmasisi” sa breakup nina Kathryn at Daniel.

Kamakailan, nag-tweet ang isang Nico Quejano sa X (dating kilala bilang Twitter) ng: β€œKasalanan ito lahat ni Ricci Rivero. Kung hindi siya nag cheat kay Blythe, di sila mag bre-break. So walang opportunity din si Daniel at Blythe mag cheat. Kaya taena mo Ricci Rivero! Mag laba ka na lang!”

Ayon sa kanya, kasalanan ni Ricci kung bakit naghiwalay ang dalawa. Sinabi din niya na kung hindi niya niloko si Blythe (Andrea Brillantes), hindi sila maghihiwalay. Samakatuwid, sina Daniel at Blythe ay hindi magkakaroon ng pagkakataong manloko. Gayunpaman, sa comment section ng kanyang post, hinimok niya ang mga netizens na huwag itong seryosohin.

Naging viral ang kanyang post na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa isang netizen: “Kasalanan mo to 🀬 Ricci 😀 Rivero πŸ˜“ kundi dahil sayoπŸ€‘πŸ’‚πŸ»β€β™‚οΈ hindi magkakaroon ng ganitong eksena πŸ₯·πŸ»πŸ§›πŸ» hinding hindi ka namin ipapatawad πŸ‘―β€β™‚οΈ mga #KathNiel fans 🧎🏻 this is not the time πŸ’” to be sad. 😒 πŸ˜”πŸ˜£πŸ˜«πŸ₯Ί.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang kahit ano mang komento si Ricci tungkol sa kinasasangkutan ng dating nobya.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Erie Swan