‘Rumored affair’ ni Gillian Vicencio at Daniel Padilla, pinasinungalingan ni DJ Jhaiho

Nag-react ang radio host na si DJ Jhaiho sa mga tsismis na nagdadawit sa Star Magic artist na si Gillian Vicencio at aktor na si Daniel Padilla. Sina Gillian at Daniel ay kasalukuyang nagdudulot ng ingay sa social media.

Nagsimula ang kontrobersya nang lumabas sa online ang pag-uusap ng dalawang netizens na tila nagmumungkahi na may nangyari sa pagitan nina Gillian at Daniel. Kasama rin sa talakayan ang pangalan ni Sue Ramirez.

Ayon sa pag-uusap, napansin diumano ni Kathryn Bernardo na si Daniel ay nakikipag-usap sa ibang tao, na humantong sa isang komprontasyon dahil tumanggi ang aktor na makita ng aktres ang kanyang telepono. Sa ngayon ay wala pang tugon si Gillian tungkol sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya at kay Daniel.

Dahil sa pagkaka-link niya kay Daniel ay binubomba ng mga netizens ang Instagram account ni Gillian ng mga negatibong komento. Kaya, sa X (dating kilala bilang Twitter), nagbuhos si Jhaiho ng kanyang saloobin at sinabing alam niya kung sino ang nagkakalat ng tsismis.

Ayon sa kanya, “FAKE NEWS! Nakakatawa na ngayon naman si GILLIAN naman ang idadawit? Lahat nalang talaga? Actually nakarating saakin to pero Kulang mga character sa another gawa gawang kwento na to!!!! Tigila niyo si GILLIAN! Nanahimil at walang kaalam alam dinadamay niyo!

“Sa totoo lang hindi na ako magtataka kung bakit lumabas tong ka FAKE NEWSan na dinadawit si GILLIAN. Ayyy dzaiiiiii TIGILAN niyo. Alam ko kung SINO kang nagpapakalat ng CHIKA na to! WAG KA NA MANDAMAY pa!” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Jhaiho sa isa pang post na pabayaan na si Gillian. Pinansin rin niya ang salaysay ng kumakalat na fake news.

“TANTANAN si GILLIAN na walang kaalam alam dinadamay pa sa ganito!!!!” diin pa niya sa kanyang post.

“ANG Galing ng bagong narrative ha Same na same kung paano nakarating saakin!!!!!!! As in VERBATIM!!!!! tigilan niyo si GILLIAN!!!!” pagtatapos ni DJ Jhaiho.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Gillian hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Ang KathNiel ay unang lumabas sa telebisyon sa TV series na “Growing Up” noong 2011. Sina Kathryn at Daniel ay hayagang umamin sa kanilang relasyon noong Abril 2018. Sila ay bumida sa iba pang teleserye gaya ng “Princess and I,” “Pangako Sa ‘Yo, ” at “La Luna Sangre,” Naging a box-office hits din ang mga pelikulang pinagbidahan nila tulad ng “Barcelona: A Love Untold,” “The Hows of Us,” at “She’s Dating the Gangster.”

RELATED ARTICLE:

Share this article
Erie Swan