Chocolate brand na KitKat, may nakakatawang slogan tungkol sa KathNiel breakup

Nakatawag pansin sa mga Pilipino ang ipinost na slogan sa social media ng isang brand ng chocolate bar na tumutukoy sa breakup ng sikat na KathNiel tandem.

Ang KitKat Philippines noong Biyernes, Disyembre 1 ay nag-post ng larawan ng kalahating bahagi ng chocolate-covered wafer bar nito na may text na sinamahan ng broken heart emoji.

“Some breaks even we find hard to take.” ayon pa dito.

Nilagyan ito ng caption na: “Here’s to a sweet new chapter!”

Umabot na sa 118,000 reactions, 37,000 shares at 4,000 comments ang post sa ngayon, kung saan sumasang-ayon ang ilang Pilipino sa post.

“This is Brilliant (es)… pun intended!!!” ayon sa isang Facebook user.

“Nadale mo,” komento ng dating Nexplay EVOS player na si Karl “Micophobia”  Quitlong.

“Ang [sakit] mo, KitKat,” ayon pa sa isang user na may kasamang crying face emoji.

“Hala, pati KitKat, apektado, haha,” komento ng isang Pinoy.

Pinuri naman ng iba ang nag-isip sa likod ng konsepto at sinabing ito ay isang matalino na patalastas.

“Witty mo [diyan], KitKat,” komento ng isang Facebook user.

“Galing ng marketing team, haha,” dagdag ng isa pang user.

“Genius! Advertisement at its best!” sabi ng isa pa.

“Whoever is the social media manager of Kitkat —Needs a raise!” suhestiyon naman ng isang user.

Ang matagal nang slogan ng KitKat ay “Have a break, have a KitKat.”

Inihayag ng isang marketing magazine na nilikha ito ni Donald Gilles sa JWT London advertising agency noong Mayo 1957. Ang terminong ‘Break’ ay may dobleng kahulugan na nababagay sa produkto.

‘Break’ para masira (nagpapahiwatig sa katangian ng tunog kapag nasira mo ang bar) at ‘Break’ para magpahinga. Ang double meaning ay ang pinanggalingan ng slogan na ‘Have a Break.’

Samantala, kinumpirma ng aktres na si Kathryn Bernardo nitong Huwebes ang tsismis sa breakup at sinabing hiwalay na sila ni Daniel Padilla. Nagpasalamat naman si Daniel sa aktres na sinabi niyang nakasayaw siya noong “highs” niya at kumanta kasama niya noong “lows” niya.

Kinilala rin niya ang kanilang malakas na fanbase, na tinatawag na KathNiels, at sinabing kahit mahirap, kailangan nilang yakapin ang hinaharap.

Nagsimula ang dalawa bilang onscreen tandem noong 2011, nang ipares sila sa seryeng “Growing Up.” Ang kanilang chemistry kalaunan ay lumabas sa screen, at noong 2018 ay umamin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Ang KathNiel ang pinakamalaking love team ng ABS-CBN sa kanilang mga kasabayan, na nagkaroon ng sunud-sunod na hit bilang tandem sa telebisyon at mga pelikula na nakatulong sa pagtibay ng kanilang estado bilang nangungunang loveteam sa bansa.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.