Gillian Vicencio, nagsalita na matapos madamay sa hiwalayang KathNiel

Binasag na rin sa wakas ng aktres na si Gillian Vicencio ang kanyang katahimikan matapos ma-link kay sa aktor na si Daniel Padilla.

Si Gillian, isang Star Magic artist na nagbida sa mga top-rating na pelikula tulad ng Eerie (2018), Four Sisters Before the Wedding (2020), at A Very Good Girl (2023), ay kasalukuyang umiingay ang pangalan sa social media pagkatapos madamay sa breakup ng KathNiel.

Nagsimula ito matapos lumabas sa social media ang pag-uusap ng dalawang magkakaibigan, na iginiit na may nangyari sa pagitan nina Gillian at Daniel. Nabanggit din ang pangalan ni Sue Ramirez sa nasabing pag-uusap. Base sa pag-uusap, napansin ni Kathryn na may kausap si Daniel (Gillian), at naganap ang huling paghaharap nang tumanggi ang aktor na makita ng aktres ang kanyang telepono.

Pagkatapos nag-tweet si DJ Jhaiho sa X (dating kilala bilang Twitter), kung saan pinabulaanan niya ang mga tsismis. Kilala rin daw niya kung sino ang nasa likod nito.

Matapos ang pananahimik, sa wakas ay nagsalita na nga si Gillian.

Nagkomento naman si DJ Jhaiho sa mensahe ng aktres at sinabing: “Thats my GIRL!!!! Magsasalita dahil ALAM ang TOTOO! Hindi mananahimik para ipagtanggol ang sarili. HINDI PO TOTOO. Wag niyo idamay tong si Gillian.”

Samantala, noong Huwebes ay kinumpirma ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pagtatapos ng matagal na nilang relasyon ng kanyang boyfriend na si Daniel. Sa pagbabahagi ng mga throwback na larawan at isang taos-pusong mensahe sa Instagram, nilagyan niya ito ng caption na “Chapter closed.”

Si Daniel, sa isang kasunod na post sa Instagram, ay nagbahagi rin ng isang larawan kasama si Kathryn, na nagpapahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa buhay.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Erie Swan