Kylie Verzosa, ayaw ibulgar kung sino ang dine-date na foreigner guy

Makalipas ang isang taon matapos ang kanyang pakikipaghiwalay sa aktor na si Jake Cuenca ay inamin ni Kylie Verzosa na nakikipag-date siya ngayon sa isang non-showbiz foreigner guy.

Ginawa ng beauty-queen-turned actress ang rebelasyon sa isang panayam ng ABS-CBN sa sideline ng 25th anniversary ng fashion designer na si Francis Libiran.

“Yeah, I am dating someone. Non-showbiz.I am so happy. Honestly, I want to keep it private this time. It’s a private relationship. And it is really, really peaceful,” pagmamalaking naikuwento ni Kylie.

Nang tinanong kung handa na ba siya para sa isang hard launch sa lalong madaling panahon, sagot ni Kylie, “Siguro, when I want to show it, I will. But for now I am so happy.”

Nagkarelasyon sina Kylie at Jake bago kinumpirma ang kanilang breakup noong April 2022. Kasalukuyang nili-link si Jake kay Chie Filomeno.

Nakatakdang bida si Kylie sa Metro Manila Film Festival official entry na Pedro Penduko kasama si Matteo Guidicelli.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.