Kapatid ni Kathryn Bernardo nag-post ng ‘Karma’ lyrics sa kainitan ng KathNiel breakup

Umani ng intriga ang kamakailang post sa social media ng nakatatandang kapatid ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo na si Kaye Bernardo matapos itong magpost ng ilang linya mula sa kantang ‘Karma’ ni Taylor Swift.

Ang post ay ginawa sa Facebook account ni Kaye sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa dahilan ng paghihiwalay ni Kathryn sa longtime boyfriend na si Daniel Padilla.

Ipinakita sa FB reel ni Kaye ang mga lyrics na:

“Karma’s gonna track you down”

“Step by step from town to town”

“Sweet like justice, karma is a queen”

Kasama sa lyrics ng ‘Karma’ ang “confronting people from the past and warning them about the consequences of their actions.”

Nagpahayag naman ng pagkalungkot ang mga netizens para sa magkapatid dahil ang mga alegasyon ng isang third party na sangkot sa paghihiwalay ng KathNiel ay mas lalo pang umiingay.

Kabilang sa mga pangalang sangkot sa tsismis ay ang aktres na si Gillian Vicencio na kamakailan ay itinanggi ang anumang pagkakasangkot sa isyu. Dawit din ang aktres na si Andrea Brillantes na hanggang sa ngayon ay tahimik parin sa issue.

Kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram accounts, pagkatapos ng 11 taon na relasyon.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.