Heart Evangelista inamin na kick-out sa isang Fashion Week event

Hindi makapniwala ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na naranasan niyang ma-kick out sa isang show sa Fashion Week.

Sa kanyang panayan kasama ang MEGA Editor-in-Chief na si Peewee Reyes-Isidro ay idinetalye ng aktres ang kanyang karanasan sa pagkaka-kick out sa kanya sa isang Fashion Week event, na sinabi niyang isa sa mga dahilan ng kanyang stress noong panahong iyon.

“There’s no need to have tried to kick somebody out of a show because that happened to me in the last Fashion Week. I would talk to certain PRs to say no; somebody was calling and saying I’m not able because another person’s going to attend,” ayon kay Heart.

Isiniwalat ng fashion icon mayroong nagsabi na kakatawan sa kanya ngunit bigla siyang iniwan sa ere, kaya ngayon ay mayroon siyang tatlong agent upang tulungan siyang pangasiwaan ang buong proseso.

Image: Screengrab from Youtube/Mega

“I have three agents now to fix and verify everything that would happen to me, and I won’t be taken out of a show because they said that I wasn’t allowed to attend. So there’s like a lot of those things that happen. It starts to become political,” kuwento pa ng aktres.

Nabanggit din ng socialite na naiintindihan niya na maaaring maging kumplikado ang bagay, kaya kung minsan ang mga tao ay kailangang mauna sa sitwasyon. Ito din ang nagtulak sa kanya na magbago din para sa kanyang ikabubuti.

“Now, they know who the point person is, but I get that everybody gets too excited, so it gets messy at some point, but those things can happen. You really just have to plan things out properly so there’s like a harmonious, smooth way of doing everything,” diin pa niya.

“I’m also glad that it kind of pushed me to change things in a way to the next step, 10 steps ahead. I fixed a lot of corporate stuff and legal stuff. I got all my cards set perfectly, and now it’s okay; it’s going to be smoother,” dagdag pa ni Heart.

Image: Screengrab from Youtube/Mega

Binigyang-diin ng 38-year-old actress na maaaring subukan ng mga tao na sirain siya, ngunit hindi siya maaapektuhan pinatibay siya ng kanyang mga pakikibaka sa buhay.

“I’m glad I really went through the fire. I’m a tough cookie. Take my video, put it out, whatever you want to dissect, and how you want to present me to the world. Black propaganda, you could do whatever; set my house on fire, but you will not break me again,” paliwanag pa ng asawa ni Senator Chiz Escudero.

READ NEXT:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.