Kathryn Bernardo, trending ang unang post pagkatapos ang break-up kay Daniel Padilla

Umani ng sari-saring reaksyon ang unang post ng aktres na si Kathryn Bernardo mula noong i-anunsyo niya ang breakup nila ni Daniel Padilla. Nagsimula ang karera ni Kathryn sa murang edad at mula noon ay naging isa sa pinakasikat at matagumpay na aktres sa Philippine entertainment industry.

Nagkamit siya ng malawakang pagkilala para sa kanyang papel bilang Mara sa serye sa telebisyon na “Mara Clara,” isang remake ng serye noong 1992 na may parehong pangalan. Ang kanyang pagganap sa “Mara Clara” ay nakapagbigay sa kanya ng mga pagpuri at kumilala sa kanya bilang isang promising talent sa industriya.

Si Kathryn ay naging bahagi ng iba’t ibang palabas sa telebisyon at pelikula. In-demand endorser din siya ng iba’t ibang brands.

Image: Screengrab from Instagram/Solid Kathniel

Kilala rin siya sa kanyang partnership sa aktor na si Daniel Padilla, na bumubuo ng isa sa pinakasikat na love team sa Pilipinas na kilala bilang “KathNiel.” Ang pares ay itinampok sa ilang mga drama sa telebisyon at pelikula, na nagpatibay sa kanilang katanyagan. Nitong Huwebes, Nobyembre 30, kinumpirma ng aktres ang pagtatapos ng matagal na nilang relasyon ni Daniel.

Sa pagbabahagi ng mga throwback na larawan at isang taos-pusong mensahe sa Instagram, nilagyan niya ito ng caption na “Chapter closed.” Si Daniel, sa isang kasunod na post sa Instagram, ay nagbahagi naman ang isang larawan kasama si Kathryn, na nagpapahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa buhay.

Limang araw matapos i-announce ang breakup nila ni Daniel ay muling nag-post sa Instagram si Kathryn. Ayon sa kanyang caption: ” I hope santa still recognizes me with orange hair 🍊.”

Naging positibo naman ang naging reaksyon ng mga celebrities at fans sa hair transformation ni Kathryn. Sa katunayan, umabot na ito sa 2 million likes.

Samantala, dalawang babae ang nadawit sa KathNiel breakup. Bago ang kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay, na-link na si Daniel sa aktres na si Andrea Brillantes. Nagsimula ang tsismis nang ibinahagi ni Ogie Diaz na isang source diumano ang nagpaalam sa kanya tungkol sa lihim na pagkikita ng dalawa.

Mas lalong uminit ang haka-haka na ito matapos na i-unfollow nina Kathryn at Andrea ang isa’t isa sa Instagram. Bukod kay Andrea, na-link din kay Daniel ang Star Magic artist na si Gillian Vicencio. Gayunpaman, itinanggi ni Gillian ang anumang pagkakasangkot sa breakup ng KathNiel.

Share this article
Erie Swan