Jimmy Bondoc, pasado sa 2023 Bar exams

Kabilang ang OPM singer na si Jimmy Bondoc sa mga nakapasa sa 2023 Bar examinations.

Inilabas ng Korte Suprema ang listahan ng 3,812 pumasa sa 2023 Bar exams noong Martes.

James Patrick Romero Bondoc sa tunay na buhay, nagpasya ang singer-songwriter na mag-aral ng abogasya noong 2017. Isa raw kasi talaga ito sa kanyang pangarap na maging abogado balang araw.

Noong 2016, hinirang si Jimmy bilang bise presidente para sa entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

READ NEXT:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.