Bea Alonzo, may pakiusap sa mga “cheaters”

May direktang mensahe para sa mga “cheaters” ang aktres na si Bea Alonzo at tila lumilitaw na patama ito sa kanyang ex.

Nag-guest si Bea sa Youtube channel ng kapwa aktres na si Ivana Alawi, kung saan nakilahok ang dalawa sa question & answer mukbang habang kumakain ng king crab.

Ito ang unang pagkakataon na nag-collaborate sila para sa isang content. Isa sa mga tanong ng kapatid ni Ivana, ang dating child actress na si Mona, na nasa likod ng camera, ay ang mga mensahe nina Bea at Ivana para sa mga cheaters.

“Tigilan na nila ‘yan. It’s so 2020… charot pala, 2019!” pabirong sagot ni Bea. “Doon tayo sa mabait.”

Bago ang engagement niya sa aktor na si Dominic Roque ay nakarelasyon ni Bea ang aktor na si Gerald Anderson, na nakipaghiwalay sa kanya noong 2019. Kalaunan ay nakipagrelasyon si Gerald kay Julia Barretto, na nakipaghiwalay sa isa pang aktor na si Joshua Garcia noong 2019 din.

Screengrab: Bea Alonzo/Instagram

Nagsama naman sa teleseryeng, “A Family Affair” sina Gerald at Ivana noong 2022. Ayon pa kay Ivana, “Ako, wala kayong mapapala. You’re never going to be happy in life,” habang pinag-uusapan ng dalawa ang karma.

Sa parehong video ay inamin ni Ivana na may karelasyon siya sa ngayon, ngunit hindi niya ito pinangalanan. Ayon pa kay Ivana, masaya daw siya sa status ng kanilang relasyon ngayon.

Panoorin ang buong detalye sa video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.