Public appearance ni Daniel Padilla pagkatapos ng breakup kay Kathryn Bernardo, minaliit ng mga netizens

Pinag-usapan ang unang public appearance ng aktor na si Daniel Padilla pagkatapos ng breakup nila ni Kathryn Bernardo.

Matapos kasi nilang ianunsyo ang pagtatapos ng kanilang relasyon, ay mayroong magkahiwalay na post ang bawat isa, na nag-iiwan sa mga tagahanga ng samut saring reaksyon. Kamakailan ay nagbahagi si Kathryn ng update sa Instagram, na ipinakita ang kanyang bagong kulay orange na buhok.

Sa kabilang banda, si Daniel, sa kanyang unang public appearance pagkatapos ang breakup, ay namataan noong Disyembre 6 na nakikipag-usap sa mga ulilang bata. Makikitang nakangiti ang aktor habang nakikipagkwentuhan at namimigay ng regalo kasama ang kanyang mga kapatid.

Screengrab: Instagram

Nag-post ang Star Magic ng video ng pagbisita ni Daniel sa kanilang Instagram account.

Habang pinagpipyestahan sa social media ang mga larawan ng Kapamilya actor ay iba’t ibang komento mula sa netizens ang lumabas. Ang ilan ay nagsabi na ito ay isang PR tactic lamang para ilihis ni Daniel ang isyu.

Ayon pa sa X user na si @InventadoMary ay nagkomento, “Carla Estrada’s PR strategy: I guess people are buying it because they are too indulged in sabotaging the other woman.”

Ang isa pang X user na si @VazzJKL, ay nagmungkahi na kailangan baguhin ng kampo ni Daniel ang diskarte sa PR. Ayon pa sa kanya, “Nice try but try harder. His PR needs to try something new. This isn’t working unfortunately. Maybe surprise us next time? Yung outside of the box. Gulatin nyo kami plsss.”

Ipinagtanggol naman ng ilang fans si Daniel at sinabi na ang pagbisita sa ampunan ay isang taunang tradisyon para sa kanya at pinupuri nila ang kanyang tunay na intensyon na tumulong.

Ayon pa sa user na si @preciousgift522, “This is something he always does every year. I can’t say anything. Thankful the kids gets something.”

Narito pa ang ilang komento ng mga netizens tungkol sa first public appearance ni Daniel:

Sa kabila ng mga alegasyon ng pambabae ni Daniel ay wala pa ring komento ang aktor tungkol sa mga akusasyong ibinabato sa kanya. Maging ang aktres na idinadawit din sa hiwalayang KathNiel na si Andrea Brillantes ay hindi parin tumutugon tungkol sa isyu.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.