Kathryn Bernardo, may nakakaantig ng pusong mensahe para sa kanyang ina

Kasunod ng kumpirmasyon ng breakup nila ni Daniel Padilla kamakailan, nagpahayag ng pasasalamat si Kathryn Bernardo sa kanyang ina, si Min, na itinuturing ng aktres bilang kanyang “best support system” sa gitna ng mga hamon ng industriyang ito.

Ang “A Very Good Girl” star ay nagpost ng mensahe ng pagpapahalaga sa kanyang ina habang ipinakita ang photo shoot na ginawa nila para sa isang brand, sa pamamagitan ng Instagram page ng aktres noong Miyerkules, Disyembre 6.

“Blessed to have had the best support system as I navigated the challenges of this industry and the career path I chose,” ayon pa kay Kathryn.

“Thank you mama for being my number one supporter since the beginning—from accompanying me to auditions, to encouraging me as I experienced rejections, and then to finally fulfilling our dreams together,” dagdag pa ng aktres.

Ang kakaibang bond ng mag-ina ay umani ng paghanga mula sa mga kaibigan at kapwa celebrity, na pinunan ang comments section ng mga papuri at heart emoji.

Screengrab: Kathryn Bernardo/Instagram
Screengrab: Kathryn Bernardo/Instagram
Screengrab: Kathryn Bernardo/Instagram

Kinumpirma nina Kathryn at Daniel noong Nobyembre 30 na natapos na nila ang kanilang 11 taong relasyon. Kabilang si Min gayundin ang ina ni Daniel, ang TV host na si Karla Estrada, sa mga nagpahayag ng kanilang pagmamahal at suporta sa dating magkarelasyon pagkatapos ng anunsyo ng breakup.

Bago kumpirmahin ang kanilang breakup, ang relasyon nina Kathryn at Daniel ay pinutakti ng mga third-party na tsismis matapos maibalita ng ibang mga showbiz insiders na lihim na nakikipagkita ang aktor sa aktres na si Andrea Brillantes.

Samantala, hinihintay naman ng mga fans ang tugon nina Kathryn at Daniel o maging ni Andrea sa mga naglalabasang tsismis tungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan.

RELATED ARTICLE:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.